top of page

Mamangon, Wagi ng Ikatlong Pwesto

By: ECO ESCANO
              Sa pamamagitan ng iba’t-ibang patimpalak para sa mga mag-aaral, ipinagdiwang ng dibisyon ng Kalookan noong Agosto ang Buwan ng Wika na may temang, “Wikang Filipino: Wika ng Saliksik.”

              Noong ika-28 ng sinabing buwan, nakilahok si Jecxell Mamangon ng Gr 11-A (STEM) sa kategorya ng Dagliang Talumpati. Sa sampung mga nagsipaglahok sa nasabing patimpalak, siya ay nagkamit ng ikatlong gantimpala. Ang mga kalahok ay naatasang magtalumpati ukol sa maaaring magawa ng kabataan upang malabanan ang pagkalat ng fake news sa social media.

 

          Ang mga nagsipagwagi sa iba’t-ibang patimpalak ay binigyan ng pagkilala at parangal noong ika-30 ng Agosto sa Urduja Elementary School.

LATEST NEWS

GPTA Officers SY 2018-2019

New HS Faculty Club Officers

View all articles

TSIS LRMDS Portal

bottom of page